HIMAS-rehas ngayon ang magkapatid matapos na dakpin sila ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa nakaw na motorsiklo sa nasabing lungsod.
Kinilala ni Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) commander PLTCOL Leonie Ann Dela Cruz ang mga inaresto na sina Sanny Jesalva, 19 anyos, John Michael Jesalva, 18, residente ng Brgy. Old Balara, Q.C.
Ayon sa biktima na si Arman Cabuquit, July 7 nang mapansin nito ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa No. 73 Lower Atis St., Brgy. Payatas, Q.C. ay nawawala.
Lumalabas na ang mga suspek ay humingi ng tulong sa testigo na ai Ma. Angelica May Pilapil na maghanap ng buyer ng motorsiklo.
Napaglaman na nang iberepika ni Pilapil sa Land Transportation Office (LTO) dito niya natuklasan na ang motorsiklo ay nakarehistro kay Cabuquit sanhi upang ipagbigay-alam niya ito sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa magkapatid.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang Anti-Carnapping Act of 2016 ang mga suspek sa Quezon Prosecutor’s Office.
“Walang pinipiling oras ang serbisyo publiko ng mga kapulisan sa QCPD. Kaya hinihikayat ko ang publiko na kaagad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga ganitong insidente upang mabigyan ng agarang aksyon,” pahayag ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III. Jan Sinocruz