Home ENTERTAINMENT Magandang Buhay, nagre-replay na lang, sibak na rin?

Magandang Buhay, nagre-replay na lang, sibak na rin?

Manila, Philippines – Ipinagpipilitan ng isang masugid na viewer na replay na lang ng

Magandang Buhay ang iniere nitong episode last March 13, araw ng Miyerkoles.

Pinaksa sa pang-umagang Kapamilya program hosted by Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang kanilang throwback experience.

Binalikan kasi nila ang mga panahong hindi pa sila gaanong sikat as they are now.

Sa kaso ni Regine, bandang 90s daw noong nakakapag-malling pa siya, nakakapanood ng sine, among other things.

Ilan daw ‘yon sa mga bagay na hindi na niya nagagawa ngayon at nami-miss niyang gawin.

It turned out na ang nasabi palang episode–base sa ulat ng mga nakapanood–ay rerun o replay na lang.

Ang TV5 ay isa sa mga pinagpapalabasan ng ilang programa ng ABS-CBN, kabilang na ang MB.

Upon checking, matagal na rin palang hindi umeere ang MB sa Kapatid network.

Dito na nagsimulang magtaka at magtanungan ang mga viewers.

Kung wala na sa TV5 at replay naman ang ipinapalabas sa ibang channel ay ano ang ibig sabihin nito?

Nabuo tuloy ang mga ispekulasyon na nakatakdang magkaroon ng “tahimik” na pamamaalam ang MB.

Or to be more precise, graceful exit.

Napag-alamang dumaranas daw ng financial setback ang produksyon ng MB.

Diumano, nahihirapan na raw ang pamunuan na i-sustain ang cost of production, kabilang na ang talent fees ng tatlong main hosts.

If true, nakakalungkot. Ronnie Carrasco IiI

Previous articleVice, nagparamdam ng paglipat ng Showtime sa GMA!
Next articlePanibagong alibi ni Quiboloy sa show-cause order, sinopla ni Risa: ‘Magpakita ka na lang’