Home METRO Magdyowang tulak laglag sa ‘bato’

Magdyowang tulak laglag sa ‘bato’

259
0

Bulacan – Arestado ang maglive-in partner na umanoy nagbenta at nahulihan ng P21,290.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang mga suspek na sina Cristina Cayetano, 39, house maid, residente ng Brgy. Malipampang at Alfie Manuel, 38, helper ng Brgy. Bacal III, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa report ni San Ildefonso chief of police P/Lt. Col. Russel Dennis Reburiano, ikinasa ang operasyon bandang alas-5 ng hapon nitong Hulyo 6 sa Brgy. Malipampang.

Nabatid na nabilhan ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu ang dalawang suspek ng poseur buyer kaya agad silang inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang P500 buy-bust money, anim pang sachets na pinaghihinalaang shabu rin na tumimbang ng 3.131 grams at may halagang P21,290.00.

Sinasabing ang imbentaryo sa mga narekober na ebidensiya ay sinaksihan ng media, DOJ representative at Brgy. official.

Nahaharap ang mga suspek na kabilang sa PNP-PDEA Unified Watchlist sa kasong paglabag sa Sec. 5, 11 and 26, Art. II ng R.A 9165.(Dick Mirasol III)

Previous article517 estudyante, out-of-school-youth benepisyaryo ng Parañaque SPES
Next article2 kelot na most wanted sa rape, nasilo sa Valenzuela

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here