Home NATIONWIDE Maghanda sa Bagyong Mawar – DOH

Maghanda sa Bagyong Mawar – DOH

359
0

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipino na maghanda sa bagyong maaaring pumasok sa Philippine Arera of responsibility ngayong linggo at posibleng mabuo bilang super typhoon.

Sa abiso, sinabi ng DOH na sinusubaybayan ng kanilang Health Emergency Management Bureau Operation Center ang posibleng epekto ng Typhoon Mawar (inter national name) sa bansa.

“In anticipation of the progress of this Tropical Storm, the DOH advises the public to prepare and report any untoward incident that may enter, be related to this weather disturbance,” ayon sa DOH.

Hinikayat din ang DOH ang publiko na tumawag sa kani-kanilang local disater at emergency risk team para sa anumang tulong sa panahon ng sakuna.

Hinikayat din ang publiko na maghanda sa kanilang bahay para sa posibleng pagbaha, unawain ang emergency guidelines at maghanda kung sakaling kailanganin ang paglikas.

Batay sa state weather bureau na PAGASA, ang bagyo ay tatawaging Betty kapag ito ay pumasok na sa PAR sa Biyernes o Sabado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleManila-bound PhilIDs lang apektado sa sunog sa Central Post Office – PSA
Next articleAlyansang Sara-GMA posibleng suportahan ni ex-PRRD – Lagman

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here