Magic! Stop light, mas nagmamadali pa kaysa sa mga sasakyan

Magic! Stop light, mas nagmamadali pa kaysa sa mga sasakyan

June 28, 2020 @ 12:49 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tila isang malaking katanungan para sa netizen na si Christopher Lopez ang sitwasyon ng stop light sa kahabaan ng Maynila nang i-upload nito sa Facebook ang video na nagpapakita ng mabilis na pagpapalit ng stop light.

Sa video, makikita sa dash casm na mula 12 segundo ay naging 3 segundo na lamang umano ang time span bago magpalit ang ilaw sa stop light at agad na hinarang ng mga tauhan ng Manila Traffic Bureau ang driver na nobya umano ni Lopez.

Sa Facebook post, ipinaliwanag nito ang sitwasyon na naranasan ng nobya.

“Maging alerto po tayo lagi! Happened today at Abad Santos Ave. corner Antipolo St. (yung may riles) nung hinarang ako nag alangan pako tumigil kasi alam ko wala naman akong mali so nagtuloy padin ako magdrive pero nahabol ako naka motor yung enforcer na walang mask at nung tinanong ko na anong violation ko saka sinabi na red light na daw. Sabi ko “huh? ang tingin ko po is 17s pa, pwede i check ko po sa dashcam?” paninimula nito.

“Then nagclick click ako sa dashcam kaso ang hassle magplay sa dashcam kaya sabi ko baka hindi ko din mapakita sakaniya, hiningi niya lang ang drivers license ko then ask na taga Marilao daw ako and kung pauwi na daw ba. Sabi ko na oo and nagsorry nalang din and sabi ko green pa talaga yung nakita ko,” dagdag pa nito.

“Next time daw tumigil nalang ako pag hinarang kasi nagpahabol pa daw ako. So napakiusapan. But we checked the video pagkauwi and boom, magic pala talaga hahahaha I knew I had enough time so nag go ako, meron bang driver na pagkatingin sa stoplight timer iniintay maubos yung time? hahahahaha syempre sabi ko sa isip ko more than 10s pa, abot pa pero mali ako kasi sakto naman pala na pagkapasok kong crossing red na agad 😂,”

Umani rin ng sari-saring reaksyon at komento ang inupload na video na may higit 1,500 reacts, higit isang libong komento at 2,600 shares mula sa iba pang netizens.

Hinihingian na ng Remate News Online ng pahayag ang Manila Traffic Bureau hinggil sa nakunang insidente. RNT/MM/Crismon Heramis

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...