Home METRO Magjowa timbog sa P138-M bato sa P’que

Magjowa timbog sa P138-M bato sa P’que

267
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang magsyota sa ikinasang buy bust operation sa Concorde Subdivision, Bgy. Tambo, Parañaque City, nitong Martes, Setyember 12, 2023.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Joseph Cortez at Jacqueline Espinosa na sinasabing magkasintahan.

Habang nakatakas ang ikatlong suspek na kinilalang si Marion King John Cortez na anak ng principal suspek na si Mark Joseph.

Nakuha ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement and Agency at Tambo Substation 2 at Parañaque CPS sa magsyota ang tinatayang nasa P138 milyon halaga ng nasa 20 kilos ng shabu.

Kasamang nakumpiska ng PDEA Region IV-A sa dalawang suspek ang isang baril na kalibre kawarenta y singko at buy bust money na P1,000, at P900,000 plus na boodle money na nagsisilbing ebidensya.

Nasabat din ang isang dark colored Innova na gamit sa transaksyon ng mga suspek.

Nakatakdang sampahan ng kasong may kaugnayan sa RA 9165 o iligal na droga ang dalawang suspek na kapwa nakapiit ngayon sa detention facility ng PDEA Region IV-A sa Sta. Rosa City, Laguna. Dave Baluyot

Previous articleSingapore trip ni PBBM para manood ng F1 race sinita ng Bayan
Next articlePassport binili sa Tiktok, Pinay hinarang ng BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here