Home METRO Magkaibigan lumutang sa dagat

Magkaibigan lumutang sa dagat

SORSOGON CITY- NAUWI sa trahedya ang sana ay masayang overnight swimming ng magkakaibigan matapos malunod ang magkaibigan babae kabilang ang menor de edad, Biyernes, Enero 26 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angel Laguerta, 15, residente ng Barangay Marina, Sorsogon at Ashley Jubilo 19, anyos residente ng Brgy. Penafrancia, Sorsogon City.

Batay sa report ng Sorsogon-PNP, nagtungo ang magkakaibigan nagkaroon ng Surf camp ang grupo ng mga biktima at nagpasya ang mga itong gagawin sa isang resort sa Barangay Buenavista, Gubat, Sorsogon para sa 2 nights swimming noong Enero 24, 2024.

Habang naliligo ang mga biktima ay bigla na lamang napadpad ang mga ito sa malalim na bahagi ng dagat at tuluyang nilamon ang mga ito.

Nakita naman ng kanilang mga kasamahan ang mga biktima na nagpalutang-lutang sa dagat si Laguerta kaya humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, naiahon sa dagat si Laguerta subalit wala na rin itong buhay habang si Jubilo ay hindi nakita.

Kinaumagahan, bandang 10:00 AM nakita ng isang mangingisda ang bangkay ni Jubilo na nagpalutang-lutang sa karagatan sakop ng Barangay Panganiban, Sorsogon. Mary Anne Sapico

Previous articleLolo patay sa kalugar dahil sa abaca
Next articleKelot lumutang sa ilog Pasig