Home METRO Magkakapatid arestado sa ₱1.36M shabu

Magkakapatid arestado sa ₱1.36M shabu

CONCEPCION, Iloilo- Laglag sa mga awtoridad ang tinaguriang ‘drug queen’ sa Northern Visayas kasama ang kanyang dalawang kapatid at kanilang ampon sa isinagawang buy-bust operation kaninang tanghali sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na magkakapatid na sina Shiela Mae Francisco Yu, 34, “drug queen’; Bryan, 29; Jose Maria, 26; at Angel dela Cruz Alvaren, 21.

Sa pinagsamang operasyon ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit, bandang alas-12:33 ng hapon nitong Biyernes nang madakip ang mga suspek sa Southwest boarding house Poblacion Southwest Lemery iloilo.

Nakabili ang operatiba ng tatlong pakete ng shabu kapalit ng halagang P21,000 at nakuha sa mga ito ang kabuuang 200 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P1,360,000.

Narekober sa mga suspek ang 31 pirasong pakete na naglalaman ng shabu, kulay khaki na Louis Vuitton sling bag, Black Gecko sling bag, brown wallet, aluminum foils, identification cards, at iba pang personal na kagamitan.

Sinabi ng pulisya na bukod sa pagiging negosyante ng isda ng mga suspek ay pinasok rin ng mga ito ang pangangalakal ng iligal na droga.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lemery Municipal Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico