Home METRO Magkapatid timbog sa Las Piñas drug ops

Magkapatid timbog sa Las Piñas drug ops

181
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Las Piñas police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang buy-bust operation Miyerkules ng gabi, Mayo 24.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) ay kinilala ang dalawang magkapatid na suspek na sina Alvin Flores, 33, a.k.a. “Tol,” at kanyang nakatatandang kapatid na si Rosalyn, 40.

Ayon kay Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos, nadakip ang magkapatid na suspek dakong alas 11:30 p.m. sa Avocado Street, Barangay CAA, FB International, Las Piñas City.

Sinabi ni Santos na isinagawa ng SDEU ang buy-bust operation bunsod sa impormasyon at reklamo na natanggap ng lokal na kapulisan mula sa concerned citizens tungkol sa illegal na pagbebenta ng shabu sa kanilang lugar.

Sa ikinasang operasyon ay nakarekober ang mga operatiba sa posesyon ng suspek ng 29 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P197,200 at ang P300 buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o illegal possession of prohibited drugs ang magkapatid na suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police. James I. Catapusan

Previous articleNational government, nakaalalay sa mga LGU sa bagyong Mawar
Next articleManager ni Herlene, inirereklamo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here