MANILA, Philippines- Shoot sa selda ang maglive-in partner matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek na sina Mico Quirino, 23, scavenger, (user/listed) at Rheana Almazan, 21, scavenger, kapwa ng Brgy. Tugatog.
Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt Archie Arceo ng impormasyon mula sa isang Barangay Informant Network (BIN) hinggil sa nagaganap umanong illegal drug activity sa kahabaan ng Tumariz St., Brgy. Tugatog.
Kaagad nagtungo sa nasabing lugar sina PSSg Ariel Brazan, PCpl William Calingayan Jr at Pat Carlo Machon kung saan naaktuhan nila ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu dakong alas-4:50 ng hapon.
Dinakip ng mga pulis ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang isang transparent plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura