Home METRO Maglive-in partner kinatay!

Maglive-in partner kinatay!

DARAGA, Albay- Naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang maglive-in partner matapos umanong pagtatagain ng hindi pa kilalang suspek, Linggo ng umaga sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Joel Millare, 59, at kinakasama nitong si Gloria Lorena, 64, kapwa residente ng Purok 2, Barangay Lacag, Daraga, Albay.

Batay sa report ng Daraga Municipal Police Station, bandang alas-7 ng Linggo nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ang bangkay ng mga biktima ng lalaking apo ni Lorena at agad namang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang krimen.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ay nakita ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-live-in partner.

Nakita rin sa lugar ang isang itak malapit na bangkay ng mga biktima na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agarang ikadarakip. Mary Anne Sapico

Previous articleDayuhang pugante naharang ng BI sa NAIA!
Next articleP350 wage hike sa lahat ng private sector workers nais ng Kamara