Home METRO Maglive-in partner kulong sa P1.7M shabu

Maglive-in partner kulong sa P1.7M shabu

83
0

CAPIZ –KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong hinihinalang tulak ng droga kabilang ang maglive-in partner makaraan madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Roxas City.

Kinilala ni Maj. Leomindo S. Tayopon, unit chief of the Capiz Police Provincial Drug Enforcement Unit (CPPDEU), ang mga suspek na sina Dennis E. Benitez, 48, ng Barangay Lawa-an at kinakasama nitong si Jurelyn D. Besa, ng Barangay Culajao, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Roxas City Component City Police Station, Miyerkules ng umaga nadakip ang suspek sa Barangay Banica in Roxas City, Capiz.

Ayon sa pulisya, nakabili ang operatiba ang hinihinalang shabu sa halagang P20,000 habang nakuha pa sa mga suspek ang 16 na pakete ng shabu na may bigat na higit sa 250 gramo.

Nakuha rin sa mga suspek ang timbangan, cellphone at sling bag.

Sinabi ng pulisya, na si Benitez ay nadakip noong 2014 at nakalabas ng kulungan 2021 sa pamamagitan ng plea bargaining habang si Besa ay drug user at kapwa nasa high-value individuals.

Samantala, sa Barangay Taal, Molo Iloilo City, naaresto rin ang isang suspek na si Jordan Alba, 44, ng Barangay Bakhaw, Mandurriao ng lungsod at nasa listahan ng PNP drug watch list.

Nakuha kay Alba ang P95,000.00 halaga ng shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico

Previous articlePebrero 13 sa P’que idineklarang special non-working holiday ng Malacañang
Next articleP6.9M shabu nakuha sa ex-con