Home METRO Maglive-in partner timbog sa P1.4M shabu, baril

Maglive-in partner timbog sa P1.4M shabu, baril

BACOLOD CITY- Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyon at baril mula sa maglive-in partner sa isang buy-bust operation sa Purok Magnolia, Barangay 7 sa lungsod na ito nitong Linggo.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Rhodora Madrileño at kanyang kinakasamang si Romel Alfar, isang cargo driver.

Sinabi ni Police Capt. Joven Mogato, pinuno ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), na nakuhanan ang mga suspek ng 206 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyon, P50,000 marked money, P300, at 9mm pistol na may magazine na kargado ng limang balang pagmamay-ari ni Alfar.

Inihayag ni Mogato na dalawang buwan nang tinitiktikan ang mga suspek.

Ikinakasa na ang drug charges laban sa mga suspek at karagdagang kaso para sa illegal possession of firearm and ammunition laban kay Alfar. RNT/SA

Previous articleMWP sa Soccsksargen arestado!
Next articleKasakiman sa kapangyarihan nasa likod ng people’s initiative – Hontiveros