Home METRO Maglive-in pinagbabaril, 1 patay

Maglive-in pinagbabaril, 1 patay

105
0

MANILA, Philippines – Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa pamamaril sa mag live in partner na ikinasawi ng isa habang isa ang sugatan matapos pagbabarilin kaninang madaling araw, Pebrero 4 sa Barangay Mapuroc, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga biktimang sina Jesus Antonio, 45 anyos, Balut Vendor at kinakasama nito na si Joan Memita, 47 anyos, residente ng Barangay Mapuroc San Mateo, Isabela.

Pasado alas-2 ng madaling araw nang kumatok sa bahay ng mga biktima ang hindi pa nakilalang suspek.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa leeg si Antonio na tumagas sa kaniyang likod sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang nadala sa pagamutan si Memita na kasalukuyan ginagamot.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa pagsisiyasat at kung ano ang motibo sa pamamaril sa mag live in partner. Rey Velasco

Previous article4 na bagong EDCA site, ilahad sa Kongreso – solon
Next articleDavid Licauco, nilandi ang fans!