Home HOME BANNER STORY Magna Carta for Seafarers, sinertipikahan ‘urgent’ ni PBBM

Magna Carta for Seafarers, sinertipikahan ‘urgent’ ni PBBM

MANILA, Philippines – SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang urgent bill ang Magna Carta for Seafarers.

Sa katunayan, sa ibinahagi ni Senate Majority leader Joel Villanueva na kopya ng Certification of Urgency mula Malakanyang na pinadala sa opisina ni Senate President Juan Miguel Zubiri, araw ng Lunes, Setyembre 25, nakasaad na liham ni Pangulong Marcos na kailangang agad na ipasa ang naturang panukala para matugunan ang mga pagkukulang sa mga batas ng Pilipinas hinggil sa training at accreditation ng libu-libong Pinoy seafarer na naglalagay sa kanilang employment sa alanganin, lalo na sa European market at sa global arena.

Ginagarantiya rin ng panukalang ito sa international community na susunod ang Pilipinas sa mga obligasyon nito na tiyakin na ang mga pagsasanay, pasilidad at equipment ay naaayon sa international standards at sa mga kaugnay na conventions.

Ang Senate Bill 2221 o Act Providing for the Magna Carta of Filipino Seafarers ay nakabinbin sa ikalawang pagbasa sa Senado habang ang counterpart measure nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa noong Marso. Kris Jose

Previous articleNAIA employees iimbestigahan sa ‘NAIA bombing’
Next articleBI officer sa ‘Pastillas Scam’ pinagmulta lang ng P5,000