Home METRO Magsasaka binato sa ulo patay sa senglot

Magsasaka binato sa ulo patay sa senglot

SAN MATIANO, Isabela – Pinaglalamayan na ngayon ang isang magsasaka matapos siyang batuhin sa ulo ng kanyang nakainuman sa Barangay Ueg, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima ay si Mario Ignacio, 41-anyos habang ang pinaghihinalaan ay si Arjay Cauan, 22-anyos at kapwa residente ng naturang lugar.

Una rito, nag-iinuman ang suspek at kasamahan nito sa bahay ng biktima nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Umaawat lamang aniya ang biktima sa suspek nang bigla siyang batuhin sa ulo.

Dahil sa lakas ng pagkakabato ay nagkaroon ng malubhang sugat sa ulo ang biktima habang may ilang galos din sa katawan ang suspek.

Dinala ang biktima at suspek sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival si Ignacio.

Nakatakda umanong sampahan ng kaso ang suspek matapos na mapatay nito ang biktima. Rey Velasco

Previous articleVP Sara sa mga Kristiyano: Pananampalataya, demokratikong pag-asa pagyamanin sa Semana Santa
Next article2 miyembro ng ‘Luffy’ gang idineport ng BI