Home METRO Magsasaka nalunod sa ilog sa Isabela

Magsasaka nalunod sa ilog sa Isabela

MANILA, Philippines – Nalunod ang 36-anyos na magsasaka habang naliligo sa ilog sa Barangay Minanga, San Mariano, Isabela nitong Sabado, Marso 30.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Richard Bular, residente ng Barangay Old San Mariano, ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon, nagpipicnic ang biktima at ang kanyang pamilya sa gilid ng ilog nang magdesisyon ito na lumangoy.

Posibleng tinangay si Bular ng malakas na agos saka nalunod. Napag-alaman na nakainom din pala si Bular.

Nakuha ng mga residente ang katawan ng biktima at nasawi habang dinadala sa ospital. RNT/JGC

Previous article10-anyos na lalaki patay sa banggaan ng motorsiklo, trak
Next articleP3M tanim na marijuana sa Kalinga, sinira ng mga awtoridad