Home METRO Magsasaka nalunod sa irrigation canal sa Nueva Vizcaya

Magsasaka nalunod sa irrigation canal sa Nueva Vizcaya

MANILA, Philippines – Patay ang isang 69-anyos na magsasaka matapos malunod sa irrigation canal sa Barangay Wacal, Solano, Nueva Vizcaya nitong Biyernes, Marso 29.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Junilito Edwin Salvador, residente ng Barangay Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang biktima nang dumiretso sa irrigation canal ang minamanehong mountain bike.

Pauwi na sana ang biktima mula sa isang inuman.

Dinala ng malakas na agos ng ilog ang biktima. RNT/JGC

Previous articleLockdown sa ilang bayan sa Cavite dahil sa pertussis ‘di totoo
Next articleBinata itinumba sa Maynila