Home METRO Magsasaka sa NegOr pinatay ng NPA

Magsasaka sa NegOr pinatay ng NPA

333
0

DUMAGUETE CITY – Isang magsasaka sa Guihulngan City, Negros Oriental ang binaril at napatay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos tapusin ng biktima ang pagsuporta sa armadong pakikibaka ng mga rebelde.

 

Ang 47-anyos na biktimang si Eduardo Antiquando Balansag, residente ng Sitio Mansalukon, Barangay Calupaan, ay binistay noong Sabado ng hapon sa kanyang bahay ng apat na armadong lalaki na miyembro ng NPA.

 

Sinabi ni Lt. Col. Romeo Cubo, hepe ng pulisya ng Guihulngan, sumigaw ang mga suspek ng “Mabuhay ang NPA ” bago sila tumakas.

 

Sinabi ni Cubo na ayaw na kasi ni Balansag na patuloy na suportahan ang grupo ng mga rebelde kaya pinatay ang magsasaka.

 

“Ang impormasyon na aming nakalap ay nagsasabing si Balansag ay nagbibigay ng pagkain sa mga armadong rebelde ngunit huminto kamakailan,” sabi ni Cubo.

Advertisement

 

Ginagawa ni Balansag ang kanyang bagong bahay nang dumating ang dalawang suspek at nakausap siya nang halos 40 minuto, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

 

Dalawa pang rebelde ang dumating ngunit dumistansya ng ilang metro.

 

Bumunot ng baril ang dalawang naunang dumating at pinaputukan si Balansag. Nagawang makatakbo ng biktima ngunit hinarang siya ng dalawa at pinagbabaril nang ilang beses hanggang sa mamatay.

 

Nakuha ng pulisya sa lugar ng krimn ang tatlong basyo ng cal. 45 pistool, isang empty shell ng cal. 5.56mm, isang live round ng cal. 45; at isang deformed slug ng cal. 45. Nats Taboy

Previous articleNo casualty sa M-4.8 Romblon quake – PDRRMO
Next articleTraysikel vs motor: 5 todas, 5 sugatan sa Palawan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here