Home METRO Magsasaka tulak tobats, tsongki, timbog

Magsasaka tulak tobats, tsongki, timbog

277
0

BAYOMBONG, NUEVA VIZCAYA-Tuluyan ng sinamphan sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang magsasaka na itinuturing na High Value Target o HVT matapos ang matagumpay sa isinagawang buy bust operation sa Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Bayombong Police Station, PDEA Nueva Vizcaya at PDEA Cordillera at Ifugao Provincial Office ay nadakip ang suspek na si James Baltazar, 32 anyos, may asawa na residente ng residente ng Brgy. Sunlife, Naguillan, Isabela.

Naaresto ang suspek matapos ang aktong pagbebenta nito ng isang pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang (5) gramo na may halagang 34,000 pesos.

Narekober rin sa pag-iingat ng suspek ang tatlo pang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga naman ng halos P204,000.00 na may bigat na higit kumulang dalawampu’t limang (25) gramo, isa (1) pang bag pack na naglalaman ng limang (5) marijuana bricks na may halagang P660, 000.00 na tumitimbang ng limang (5) kilo at dalawang piraso ng medium size tape marijuana bricks na nagkakahalaga ng 60,000 pesos na may bigat na limandaang (500) gramo, boodle money na umabot at mga personal na gamit gaya ng cellphone.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng pulisya ang suspek habang nagsasagawa ng follow up operation na pinaniwalaan may kasabwat sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Rey Velasco

Previous articleTaxi driver na wanted sa droga arestado sa Caloocan
Next articleSen. Go: Unhealthy food ads higpitan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here