Home METRO Magseselpon sa kalsada may parusa sa Baguio

Magseselpon sa kalsada may parusa sa Baguio

Remate File Photo

BAGUIO CITY – PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa kalsada lalo na yung mga naglalakad o tumatawid na naging sanhi ng aksidente.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Martes ni Vice Mayor Faustino Olowan, na amyendahan ng City Council ang 2019 ordinance “Distracted walking.”

Aniya, tinanggal na ang pagpataw ng multa ng ₱2,500.00 at sa halip ay papatawan na lamang ng 10-araw na community service para sa mga lalabag.

Idinagdag pa ni Olowan na ang mga taong gumagamit ng mobile phone at iba pang device ay nakakagambala sa daloy ng mga pedestrian sa lungsod.

Nakasaad sa ordinansa ang unang beses na nagkasala ay pagsasabihan at kapag muling inulit ay gagawin na nito ang community service sa loob ng 10-araw.

Taon 2019, inaprubahan ng Konseho ng Lungsod ang Ordinansa 49 na nagbabawal at nag-regulate sa paggamit ng mga mobile device at o iba pang device habang naglalakad, at tumatawid sa mga lansangan at bangketa sa lungsod.

Ang ordinansa ay naglalayong maiwasan ang mga aksidente gaya ng banggaan ng sasakyan o ng ibang tao o ng taong gumagamit ng device na nakakagambala sa ibang taong naglalakad.

“Kailangan nating maging maingat at tumutok at maging aware sa ating paligid kapag tayo ay naglalakad. Ito ay para sa ating ikabubuti ng lahat,” ani Olowan.

Ibinaba aniya ang parusa kasunod ng public consultation noong Pebrero na may mga mungkahi mula sa publiko gamit ang opisyal na social media account ng Sangguniang Panlungsod.

Ang bagong ordinansa, inalis na kapag ang isang indibidwal ay nakatigil lamang sa isang sulok ng bangketa at hindi naman nakakasagabal sa ibang tao o daloy ng trapiko at maari itong gumamit ng kanyang cellphone o anoman device./Mary Anne Sapico

Previous articleEx-parak na lider ng criminal gang, arestado sa baril sa Malabon
Next articleCHR, bibigyan ng mas matalas na ngipin, fiscal autonomy sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here