Home OPINION MAGSIKAP VS KABOBOHAN

MAGSIKAP VS KABOBOHAN

LUMABAS sa pag-aaral ng Program for International Student Assessment (PISA) na kabilang pa rin tayo sa nasa talampakan ng 81 bansang kasali rito mula 2018 hanggang 2022.

Bagama’t nakalagpas tayo sa may mga pinakamababang ranggo, naroon pa rin tayo sa pangatlo o pang-apat o pang-anim na pwesto sa talampakan.

Noong 2018 na kapapasok lang ang Pinas sa PISA, kulelat tayo sa math, reading at science at nang tumama ang pandemic, naroon pa rin tayo sa ranggo na iyon hanggang sa medyo nakahinga-hinga ngayon.

Kinse anyos, mga Bro, ang mga isinasalang sa pagsusulit dahil karaniwang nasa iskul sila (third-fourth year high school noon o kaya’y Grade 9 o 10 ngayon)  at kapag nakatuntong na sa 16 pataas, wala nang nakatitiyak kung magpapatuloy pa sila sa pag-aaral o hindi na.

Sa ibang mga bansa, sa edad 16 pataas, marami na ang nakikipagrelasyon at may mga stop na sa pag-aaral, nagtatrabaho na at iba pa.

PAANO SINUSUKAT?

Unang-una, walang kasali na titser habang may pagsusulit ang mga estudyante. No cheating, no coaching ang peg.

Heto ngayon, mga Bro.

Sa math, may magagaling mag-memorize ng mga formula pero kapag isinalang na sila sa math problem solving, doon na sila sumasabit. Hindi na alam kung paano isolb ang problema.

Sa 100 bata, 16 lang ang may kakayahang magsolb ng math problem. Pero, tumaas naman dalawang hakbang tayo rito pero pang-6 sa mga pinakakulelat.

Sa reading, marami ang magagaling magbasa pero, anak ng tokwa, hindi pala nila nauunawaan o nakakapa ang sentro o pinakaimportanteng nilalaman o mensahe ng kanilang binabasa.

Sa 100 bata, 24 lang ang nakauunawa o nakatutumbok sa sentro ng binabasa. Pero dito tayo medyo umaangat nang pitong hakbang.

Sa science, marami rin ang magagaling kaya lang palpak o hindi maipaliwanag ang mga nagaganap sa siyensiya. Halimbawa, ang pamumuo ng sama ng panahon hanggang ito’y maging bagyo o kaya ang koneksyon ng buwan at utak ng tao. Hehehe!

Sa 100 pa ring bata, 23 lang ang nakaaalam sa isang pangyayaring may kinalaman sa mga milagro sa siyensya. Dito tayo bumagsak ng isang hakbang.

Malawakang kabobohan sa mga estudyanteng Pinoy ang mensahe ng PISA.

PAGSISIKAP KUMAWALA SA KABOBOHAN

Ngayon naman, ang mga usaping pang-PISA ang kabilang sa mga sinesentruhan ngayon ng Department of Education sa mga bagong programa nito at dahilan ng pagbabawas ng mga subject sa elementarya at junior high school at apektado na rin ang senior high school.

Ngunit pilot areas pa lang ang isinasagawa kaya naman, sinasabing saka na lang mararamdaman ang epekto ng programang pagbabago sa ilalim ni Vice President Inday Sara makaraan ang 10 taon.

Kasabay nito ang pagpapalaya sa mga guro sa ibang katakot-takot na trabaho upang makapag-contrate na sila sa pagtuturo.

Wala na sa pwesto si Inday Sara bilang Secretary of Education sa panahong iyan at sana nga magbunga ng maganda ang mga inisyatiba niya.

Previous articlePAGBABALIK NG PEACE TALK
Next articleLotto Draw Result as of | December 6, 2023