Home NATIONWIDE Magsuot ng face mask sa simbahan – Obispo

Magsuot ng face mask sa simbahan – Obispo

MANILA, Philippines – Hinimok ng Archdiocese of Manila ang mga mananampalataya na sumunod sa health at safety protocols kapag dumadalo ng Christmas at Church gatherings dahil may mga kaso pa rin ng Covid-19 at iba pang respiratory illnesses.

Sa Circular No. 2023-106 na naka-address sa lahat ng kaparian, mga consecrated men and women at mga lay faithful sa archdiocese, na inilabas noong Biyernes, pinaalalahanan sila ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na maging maingat sa pagdalo sa holiday parties at Eucharistic celebrations.

“Heeding the recommendations of the Ministry on Health Care of the Archdiocese of Manila, we request our communities to observe the health and safety protocols,” sabi ni Advincula.

“Let us practice voluntary wearing of face masks and hand hygiene. Those who are ill must be reminded to stay at home so as not to spread infection,” dagdag pa ng  cardinal .

Hinikayat niya ang mga tao na sundin ang panawagan bilang pagpapahayag  ng kawanggawa at pakikiramay sa iba, lalo na sa mga vulnerable.

Ayon kay Advincula, muling nagtitipon -tipon ang mga komyunidad para sa tradisyunal na Simbang Gabi o Misa de Aguinaldo.Ang mga bata at kabataan ay bumibisita sa mga bahay-bahay upang mangaroling.Ang mga ministries at organisasyon sa mga parokya at komyunidad ay may mga Christmas parties at pagtitipon.

“The next days will again show us how vibrant, festive, and faith-filled Filipino Christmas is,” sabi ni Advincula .

Binigyan-diin ng cardinal na ang pagpapalabas ng circular ay isa lamang paalala.

“We continue to receive reports about incidences of Covid-19 and other respiratory illnesses,” sabi ng pinuno ng Archdiocese of Manila

“But we will not allow them to deprive us of Christmas joy,”

Ang Simbang Gabi ay magsisimula ng Dis.16 at idaraos ng siyam na araw.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePayroll ginamit sa paluwagan; pagsibak sa accountant pinagtibay ng SC
Next article6 sa 10 Pinoy ‘food secured’ sa sunod na 6 buwan