Home OPINION MAGTODO-BANTAY VS. BUMBERO AT TERORISTA

MAGTODO-BANTAY VS. BUMBERO AT TERORISTA

185
0

HABANG ipinipilit ng International Criminal Court ang sarili na siyang mamamahala sa sistemang panghustisya ng Pinas ukol sa bintang na nagkaroon ng mga extrajudicial killing sa panahon  ni Pangulong Rodrigo Duterte, dumarami naman ang mga nasasakote na nagdadala at nagpapakalat ng droga sa bansa.

Ano ba ang relasyon ng kapangahasan ng mga druglord, protektor nila sa pamahalaan at pusher sa aksyon ng ICC?

Baka naman malaki ang paniniwala ng mga sangkot sa droga na ito na wala nang mangangahas na wasakin sila kung masampulan sa ICC ang katulad ni Pang. Digong na tinik sa kanilang lalamunan?

Kapag mangyari ito na magreresulta sa malayang paggawa, pagpasok sa bansa at pagpapakalat ng droga sa bansa at muling maging adik ang milyon-milyong mamamayan na pagmumulan ng mga katakot-takot na krimen at korapsyon, walang dapat na sisihin kundi ang ICC at ang mga Pinoy na nagtutulak at nagpipilit dito na siyang magdedesisyon sa problema sa droga sa Pinas.

DAYUHAN AT PINOY

Tingnan ninyo kung gaano ka-daring o kapangahas sa pagpapapasok at pagpapakalat ng droga ang mga anak ng tokwang sangkot sa droga.

Sa Mactan-Cebu International Airport, nahulihan ang South Africa national na si Pietro Aliquo, 59 anyos, ng kilo-kilong shabu na nagkakahalaga ng P120 milyon na ipinasok niya sa bansa.

Katwiran ni Aliquo, may nagpadala lang sa kanya ng dalawang maletang pinaglagyan ng shabu na may addressee at binayaran lang siya ng kaunting halaga.

Nahulihan naman ng nasa 10 kilo o P69 milyong halaga ng shabu sa Allen, Samar si Mangayao Mitomara, 40, habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Salamat sa mga tauhan ng Highway Patrol Group sa ilalim ni Eastern Visayas police director Brig. Gen. Rommel Franciso Marbil na nakahuli sa kay Mitomara.

Umamin si Mitomara na dadalhin sana niya ang droga sa Visayas at Mindanao.

Sa Pasay City, may natagpuan namang isang sasakyan sa Don Carlos Village na may tatlong patay: dalawang lalaki at isang lalaki.

Sabi ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency, may natagpuan silang baril, shabu na nasa teabag na may tatak na Guanyinwang  at shabu paraphernalia sa loob ng sasakyan.

Sa Davao del Norte, nang maaresto si Junifer Malayao sa pagpatay sa kanyang employer na si Ansary Acmad mula sa likod ng sasakyan, may natagpuan sa sasakyan o kay Malayao na 495 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Heto ang isang masaklap, ilang beses na bang may nahuling mga babae na nagtatago sa kanilang ari ng shabu maipalusot lang ang mga ito sa loob ng mga kulungan o kaya’y maligtasan nila ang mga buy-bust operations ng mga pulis?

Kahapon, iniulat ng ating pahayagan na may babaeng nagtago ng shabu sa kanyang ari para lang malusutan niya ang mga nag-buy-bust sa kanyang grupo.

Ano na ngayon kayo riyan sa ICC at kakosa ninyong mga Pinoy?

Previous articleTeen Azkals star  Reyes  kinuha ng German club
Next articleFood stamp program ng DSWD nais buhayin ni Gatchalian