Home METRO Maguindanao del Norte gov, si Macacua lang – BARMM spox

Maguindanao del Norte gov, si Macacua lang – BARMM spox

MAGUINDANAO DEL NORTE- Nanindigan ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na iisa lamang ang kinikilala nilang gobernador sa lalawigang ito.

Giit ni Atty. Naguib Sinarimbo, Bangsamoro Interior Minister at tagapagsalita ng BARMM, nag-iisa lamang ang gobernador ng BARMM na siyang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hunyo, kundi si dating Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces chief Abdul Raof Macacua.

Sinabi ni Sinarimbo na ibinasura ng BARMM ang pahayag ni Bai Ainee Sinsuat na kinikilala ng desisyon ng Korte Suprema kamakailan ang kanyang pagiging gobernador sa bagong likhang lalawigan.

Matatandaan na si Sinsuat ay itinalaga bilang bise gobernador ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hunyo.

Sinabi noong Lunes, bumaba si Sinsuat bilang bise gobernador at nanunungkulan bilang acting governor, batay sa desisyon ng Supreme Court.

Dagdag ni Sinarimbo na nagkamali si Sinsuat sa pagbibigay-kahulugan sa pinakahuling desisyon ng SC, dahil naresolba lamang nito ang paghirang sa provincial treasurer.

“As far as the BARMM is concerned, iisa lang ang gobernador sa Maguindanao del Norte. May nag-aassume pero as far as we are concerned, Gov. Macacua is the only governor as appointed by President Marcos and his appointment has not recalled,” ani Sinarimbo.

Samantala, sinabi naman ni Atty. Ronald Torres, legal consultant ng Sinsuat, nanunungkulan ito noong Lunes at kasalukuyang nasa pwesto sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Nanungkulan na rin bilang acting vice governor si Board Member Shariffudin Mastura ayon sa desisyon ni Sinsuat batay sa Republic Act 11550, ang batas na naghati sa Maguindanao sa dalawang lalawigan. Mary Anne Sapico

Previous articleNakabinbing kaso vs pulis pinabubusisi ng PNP chief
Next article‘Record-high’ na ani ng palay, inaasahan ngayong taon – DA