Home METRO Maguindanao del Norte Vice Gov. na-contempt; pinagpapaliwanag ng SC

Maguindanao del Norte Vice Gov. na-contempt; pinagpapaliwanag ng SC

MANILA, Philippines- Inatasan ng Supreme Court si Maguindanao del Norte Vice Governor Bai Fatima Ainee L. Sinsuat na magpaliwanag kung bakit hindi dapat siya maparusahan ng contempt matapos hindi ipagbigay-alam sa Korte ang kanyang naging appointment, oath taking at ang pagkakaluklok sa kanya bilang vice governor.

Binigyan lamang si Sinsuat ng 10 araw ng SC upang isumite ang kanyang paliwanag.

Nag-ugat ang contempt order laban kay Sinsuat dahil sa kanyang kabiguan na abisuhan ang Supreme Court sa pagkakatalaga, panunumpa at pag-upo niya bilang bise gobernador.

Una rito, umupo si Sinsuat bilang gobernador ng bagong gawang Maguindanao Del Norte noong 2022.

Dito hiniling ni Sinsuat ang pagtatalaga kay Badorie Alonzo bilang provincial treasurer, kung saan umabot pa ang talakayan hanggang Korte Suprema.

Bagama’t pinaboran ng Supreme Court si Sinsuat, umapela ang Office of the Solicitor General at sinabing inabandona na ng opisyal ang pagiging gobernador nang manumpa bilang bise gobernador ng Maguindanao del Norte.

Babala ng Supreme Court, maparurusahan ng contempt si Sinsuat kung hindi ito tatalima sa kautusan ng korte. Teresa Tavares

Previous articleDILG naglabas ng bagong alituntunin sa pagtatalaga ng SK treasurer, secretary
Next articleMagnificent 7 ‘di sasali sa transport strike