Home HOME BANNER STORY Magulang ni Jemboy dismayado sa desisyon ng korte, ‘isang pulis lang makukulong’

Magulang ni Jemboy dismayado sa desisyon ng korte, ‘isang pulis lang makukulong’

MANILA, Philippines – Dismayadong humarap sa Senado ang magulang ni Jemboy Baltazar nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Kasama ni Senador Risa Hontiveros ay humarap sa Senado ang magulang ni Jemboy na biktima umano ng mistaken identity ng pulisya sa Navotas noong nakaraang taon.

Sa desisyon kasi ng Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 286, isa lamang sa anim na sinibak na pulis ang makukulong matapos na mapatunayang guilty sa kasong homicide.

Ang sinentensyahan na makulong ay si SSgt. Gerry Maliban habang ang iba pang pulis ay pinatawan ng mas mababang parusa dahil sa indiscriminate firing.

“Iyong [Department of Justice], pinangako po nila na tutulungan nila kami na i-apela iyong kaso para mabuksan po ulit yung kaso ng anak ko,” sinabi ni Rodaliza Baltazar.

“Makulong po sana sila nang matagal para pagdusahan nila iyong nagawa nilang kasalanan sa anak ko. Sila po makukulong lang pero iyong anak ko patay na. Hindi na po makakabalik,” dagdag pa niya.

Ipinag-utos na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na suriin ang mga katotohanan at argumento sa kaso upang makita kung ano pa ang maiaapela ng ahensya.

Plano rin ng DOJ na iangat ang kaso sa Court of Appeals (CA) kung saan ang Office of the Solicitor General ang magsisilbing counsel para sa pamilya Baltazar.

“At the end of it all, justice must be served, the decision today is not enough, in our opinion, because there are policemen who will be freed but the Baltazar family lost someone,” ayon kay Justice Assistant Secretary Jose Dominic Clavano. RNT

Previous articleSenior, PWD patay sa sunog sa Rizal at Negros
Next articleDennis, may bago nang jowa, ‘nilayasan’ ng asawa!