Home NATIONWIDE Maharlika Fund ipinakilala sa sidelines ng APPF – Romualdez

Maharlika Fund ipinakilala sa sidelines ng APPF – Romualdez

MANILA, Philippines – Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez nitong Sabado, Nobyembre 25 na naipakilala sa sidelines ng Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF) ng delegasyon ng Pilipinas ang newly-created Maharlika Investment Corporation.

“Sa sidelines po, syempre binanggit din natin na meron tayong napasa na ngayon at batas na po na Maharlika Investment Corporation,” pagbabahagi ni Romualdez sa mga mamamahayag matapos ang event.

Si Romualdez ang co-chairman ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa naturang miting.

“Kaya syempre, nakikita nila na maipagmamalaki itong napakagandang bansang Pilipinas, napaka sigla ng ating ekonomiya. At nakikita nila ang ating demokrasya talagang vibrant, ‘yung freedom of the press and expression ay nandito kaya nakikita po nila na mukhang maganda itong investment center at haven sa lahat ng sovereign wealth fund sa buong mundo, so mukhang maganda ang kinabukasan ng ating sovereign wealth fund,” dagdag pa ng Speaker.

Matatandaan na noong Hulyo ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na
Maharlika Investment Fund bill bilang isang batas.

Ani Marcos, kailangan ang pondo upang magkaroon ng karagdagang investment para sa pamahalaan.

Samantala, kamakailan ay nanungkulan na si Rafael Consing bilang Pangulo at Chief Executive Officer ng Maharlika Investment Corporation. RNT/JGC

Previous articleP380K shabu nasabat sa tulak sa Laguna
Next articleGABRIELA nanawagan ng ceasefire sa Israel-Hamas war