MANILA, Philippines – Tinatarget ng mga opisyal na maipasa ang 10 priority measures ng pamahalaan pagsapit ng Hunyo, kabilang na rito ang proposed Maharlika sovereign wealth fund at ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Ito ang sinabi ng MalacaƱang nitong Lunes, Pebrero 13.
Matatandaan na sa kauna-unahang Executive Committee Meeting of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ang mga sumusunod na panukala ay “adopted for passage” sa oras na magtapos ang unang regular na sesyon ng 19th Congress sa Hunyo 2.
Ayon sa Palasyo, ang mga sumusunod na panukala ay ang:
– Maharlika Investment Fund bill
– The mandatory implementation of the Reserve Officers Training Corps (ROTC) and the National Service Training Program (NSTP)
– The creation of the Virology Institute of the Philippines and the Philippine Center for Disease Prevention and Control
– Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) bill
– Medical Reserve Corps
– The Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs)
– Internet Transactions Act/E-Commerce Law
– A bill amending the law creating fixed terms for officers of the Armed Forces of the Philippines
– Amendments to the Attrition Law
– Salt Industry Development Bill
Nauna nang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kauna-unahan niyang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang Hulyo ang kanyang mga priority bills na nakikita niyang mahalaga para sa implementasyon ng kaniyang mga plano sa bansa kabilang na ang
8-point socioeconomic agenda.
Ayon naman kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, hindi pinag-usapan ng advisory body ang patungkol sa charter change.
Ani Villanueva, ilan sa mga panukalang aamyendahan sa 1987 Constitution ay kasama na sa mga nanang naipasang panukala, katulad ng Retail Trade Liberalization Act, Foreign Investment Act, at Public Services Act.
“It was not even tackled in our LEDAC meeting so I donāt see any reason why we will be focusing into it,” sinabi ni Villanueva.
Nauna nang sinabi ni Marcos na hindi niya target ang charter change kahit pa ang epekto umano nito ay ang mas maluwag na pagtanggap sa investment pledges at business deals na nakamit niya sa kanyang mga nagdaang working visit sa ibang bansa.
“It is not a priority for me, because maraming ibang kailangan gawin eh. There are so many other things that we need to do first, that we can still do, we can achieve, kung makuha natin ang gusto natin but within the present Constitution, the way the constitution is written,” pahayag ni Marcos. RNT/JGC