Home HOME BANNER STORY Maharlika Investment Fund bill, pasado na sa Senado!

Maharlika Investment Fund bill, pasado na sa Senado!

450
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magtatatag sa Maharlika Investment Fund (MIF), isang sovereign wealth fund na gagamitin ng pamahalaan para sa mga investment.

Nasa 19 senador ang bumotong pabor sa panukala, habang si Senador Risa Hontiveros lamang ang tumutol dito at nag-abstain naman si Senador Nancy Binay.

Ang puspusang diskusyon ay tumagal ng 12 oras na natapos lamang 2:30 ng madaling araw nitong Miyerkules, Mayo 31.

Nakatakdang isagawa ang bicameral conference committee meeting bandang alas-11 ng umaga para pagtugmain ang bersyon ng Senado at Kamara na SB 2020 at HB 6608.

Ang delegasyon ng Senado sa bicam ay binubuo nina Senatod Mark Villar, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Pia Cayetano at Aquilino “Koko” Pimentel III.

Nauna nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na magpapabilis pa sa proseso ng pag-apruba ng dalawang kapulungan.

Ayon sa panukala ang MIF ay bubuuin sa pamamagitan ng mga pondo mula sa

– Land Bank of the Philippines (LBP): P50 billion
– Development Bank of the Philippines (DBP): P25 billion
– National Government: P50 billion

Ang kontribusyon naman mula sa pamahalaan ay magmumula sa mga sumusunod na source:

– Bangko Sentral ng Pilipinas’ total declared dividends
– National government’s share from the income of PAGCOR
-Properties, real and personal identified by the DOF-Privatization and Management Office
– Other sources such as royalties and/or special assessments

“The rationale for this as many of our colleague including this representation has manifested on the floor in as much as we truly hope that the fund will be successful, we would like to ensure that the pension fund and aforementioned funds would not be touched to at least preserve this because we have experienced in the past the hard-earned money of our people were lost,” sinabi ni Cayetano kasabay ng sesyon ng Senado.

Ang pagpapataas naman sa capitalization ng
Maharlika Investment Corporation na magpapatakbo sa MIF bill ay nakadepende pa sa pag-apruba ng Kongreso.

Makakasama bilang board of directors ng MIC ang Secretary of Finance bilang chairperson sa ex-officio capacity; pangulo at chief executive officer ng MIC bilang vice chairperson; president at CEO ng LBP; resident at CEO ng DBP; dalawang regular directors; at tatlong independent directors mula sa pribadong sektor.

“Provided that in case of a merger, consolidation, or abolition of any founding GFIs (government financial institutions), the seat on the board of the absorbed, dissolved or abolished GFIs shall be filled by the next highest ranking officer of the GFI who has assumed the rights of the absorbed, dissolved, or abolished GFIs,” saad sa inamyendahang Section 20 ng Senate Bill 2020.

Sinasabi rin sa panukala na ang regular directors ay dapat na itinalaga ng Pangulo batay sa rekomendasyon ng advisory board para sa terminong tatlong taon.

Sa oras naman ng removal o resignation, ang appointment sa bakante ay para lamang sa unexpired term ng sinundan nito.

Samantala, ang lahat ng dokumento na may kinalaman sa panukala at Maharlika Investment Corporation ay maaaring makita ng publiko at magkakaroon ng Filipino translations. RNT/JGC

Previous articleUS concert tour ni Kuya Wil, ‘di na tuloy; 40% komi ng Viva, pinalagan!
Next articleTAXPAYER NA MAY MULTIPLE BIR TIN, SASAMPAHAN NG KASONG KRIMINAL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here