Home HOME BANNER STORY Mahigit 17K bata niregaluhan ng Malacañang

Mahigit 17K bata niregaluhan ng Malacañang

MANILA, Philippines – Mahigit 17,000 bata mula sa piling mga shelter at orphan care centers sa buong bansa ang nakatanggap ng regalo mula sa Malacanang nitong Linggo, Nobyembre 26.

Ang nationwide gift-giving event ay tinawag na “Balik Sigla, Bigay Saya” na inisyatibo ng Office of the President sa pamamagitan ng Social Secretary Office.

Sumuporta rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), at iba pang private partners para idaos ang sabayang event sa mahigit 250 lugar sa buong bansa.

Kabilang sa mga pinakamalaking participating centers ay ang Cebu Technological University na may 449 bata, at University of Mindanao, Matina Campus sa Davao del Sur sa 600 bata.

May 1,120 tukoy na batang recipients naman sa National Capital Region.

Idinaos din ang gift-giving sa Kalayaan Grounds ng Malacañan Palace.

Mahigit 1,700 bata mula sa mga piling shelter at orphan centers ang sinalubong sa Malakanyang nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

“Welcome to Malacañan Palace! Welcome to our Christmas celebration! Merry Christmas, mga anak,” sinabi ni Marcos.

“At alam naman natin – we all know that Christmas is really about the children. And we always have a Merry Christmas when the children have a good Christmas. Na makita natin ang inyong mga ngiti, na kayo naman ay ‘pag sinabing Merry Christmas ay may kabuluhan,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga magulang ng mga bata at sinabing sila ang “most loved” sector dahil sila ang kinabukasan ng bayan. RNT/JGC

Previous articleKawatan ng motorsiklo, patay sa mga pulis
Next articlePistolerong astig sa isla sa Obando, dinakma ng mga parak