Home METRO Mahigit 200 indibidwal inilikas sa pagbaha sa Narvacan

Mahigit 200 indibidwal inilikas sa pagbaha sa Narvacan

MANILA, Philippines – Inilikas ang mahigit 200 indibidwal mula sa iba’t ibang barangay ng Narvacan, Ilocos Sur dahil sa matinding pagbaha.

Ito ay makaraang umapaw ang ilog dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring.

Gumamit na ng rubber boat ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para mailikas ang mga residente.

Dagdag pa rito, nalubog din sa baha ang kalsada sa bahagi ng Barangay San Pedro sa nasabing bayan.

Ayon kay MDRRM Officer 3 Alvin Cunanan, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga ililikas na residente dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Goring sa hilagang Luzon.

Karaniwan ang pagbaha sa lugar lalo na sa mga panahon ng malalakas na pag-ulan.

Nakaalerto naman ang lokal na pamahalaan, PNP at BFP kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articlePNP nangako ng hustisya sa napatay na binatilyo sa Rizal
Next articleListahan ng 388 missing sa Hawaii wildfire inilabas na