Home METRO Mahigit 3,500 security forces ipakakalat sa Sinulog 2024

Mahigit 3,500 security forces ipakakalat sa Sinulog 2024

MANILA, Philippines – Mahigit 3,500 security forces ang ipakakalat para siguruhin ang kaligtasan ng mga deboto sa paparating na Fiesta Señor at Sinulog Festival celebrations.

Ang send-off ceremony ay idinaos sa SM Seaside Concert Ground na dinaluhan ni Cebu City Mayor Michael Rama.

Binasbasan ni Reverend Father Nelson Zerda ngAugustinian Friars ng Basilica Minore Del Santo Niño sa programa ang mga tropa na mula sa iba’t ibang security agencies.

Binasbasan din niya ang mga K9 unit na gagamitin sa paparating na aktibidad.

Sinabi naman ni Police Colonel Ireneo B. Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office (CCPO), na nakalatag na ang kanilang security measures sa paparating na Sinulog.

Ang selebrasyon ay magsisimula ngayong araw, Enero 11, sa solemn Walk with Jesus sa Basilica.

Samantala, siniguro ni Dalogdog na ang bawat aktibidad ay magkakaroon ng sapat na security personnel upang masigurong ligtas ang lahat ng mga contingents at mga dadalo.

Para naman kay CCPO Deputy Director for Operations Police Lieutenant Colonel Janette Rafter, puspusan sila sa paggawa ng hakbang upang makontrol ang dami ng mga taong pupunta.

Aniya, inaasahan nilang dodoble o titriple pa ang bilang ng Sinulog crowd ngayong taon kumpara noong 2023.

“A day before the activities, we have to conduct the dry run and that this time, we really have to be relentless. We really have to enforce especially along the routes and especially sa crowd control,” ani Rafter.

Wala namang namonitor na anumang banta ang mga awtoridad sa paparating na Sinulog celebration.

“We have no monitored threats but of course, considering the events unfolding in other areas, we are raising our precautionary measures.” RNT/JGC

Previous articleTrade deficit tumaas noong Nobyembre
Next articleAcute gastroenteritis outbreak idineklara sa Baguio