Home NATIONWIDE Mahigit 50 patay sa Israeli strikes sa Rafah

Mahigit 50 patay sa Israeli strikes sa Rafah

MANILA, Philippines – Patay ang 52 katao sa matitinding air strike ng Israel sa Rafah, sa southern Gaza.

Ayon sa Hamas government, 14 tirahan at tatlong mosque sa iba’t ibang bahagi ng Rafah ang tinamaan ng air strike.

Sa pahayag ng Israeli military nitong Lunes, Pebrero 12, sinabi na ito ay “conducted a series of strikes on terror targets in the area of Shaboura in the southern Gaza Strip”, sabay-sabing tapos na ang mga strike.

Inatasan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang army na maghanda sa ground offensive sa Rafah, isa sa huling ‘major population center’ ng Gaza.

Mayroong 1.4 milyong Palestinians ang nagsisiksikan sa Rafah, na karamihan ay nakatira sa mga tent. RNT/JGC

Previous articleFDI net inflows tumaas ng 27% noong Nobyembre
Next articleTIGNAN: Unang araw ng voter’s registration sa QC