Home NATIONWIDE Mahigit 5K aftershock naitala sa Surigao quakes

Mahigit 5K aftershock naitala sa Surigao quakes

MANILA, Philippines – Mahigit 5,000 aftershock ang naitala kasunod ng magnitude 7.4 at 6.8 earthquakes na tumama sa Surigao del Sur, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Disyembre 9.

Hanggang alas-4 ng madaling araw noong Biyernes, sinabi ng NDRRMC na kabuuang 5,653 aftershock ang naitala.

Kabuuang 3,984 aftershock ang mula sa magnitude 7.4 na lindol sa hilagang-silangan ng Hinatuan noong Disyembre 2, habang 1,669 ang mula sa magnitude 6.8 na lindol sa Cagwait noong Disyembre 4.

Sinabi ng NDRRMC na nasa 879 aftershock ang naitala sa lindol sa Hinatuan, kung saan 53 ang naramdaman, na mula magnitude 1.3 hanggang magnitude 6.6 na lindol, mula Intensity I hanggang IV.

Para naman sa lindol sa Cagwait, sinabi ng NDRRMC na 459 aftershock ang naitala kung saan 10 rito ang naramdaman, na mula magnitude 1.4 hanggang 5.8 at Intensity IV ang pinakamataas na intensity na naitala.

Sa pinakahuling situation report ng NDRRMC, nasa 700,000 indibidwal ang apektado ng lindol.

Nagresulta rin ito sa pagkasawi ng tatlong indibidwal. RNT/JGC

Previous articleKim, nag-lecture sa tamang spelling ng apelyido!
Next articleP16.6M Lotto 6/42 jackpot nasolo ng mananaya!