Home METRO Mahigpit na pagpapatupad sa SRP pinag-uusapan na – MMC

Mahigpit na pagpapatupad sa SRP pinag-uusapan na – MMC

85
0

MANILA, Philippines – Pag-uusapan ng mga alkalde ng iba’t ibang local government units (LGUs) sa National Capital Region ang mga pamamaraan upang mahigpit na maipatupad ang suggested retail price (SRP) sa mga bilihin, ayon kay Metro Manila Council head at San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Biyernes, Pebrero 10.

“I will make sure that we discuss this as soon as possible,” ani Zamora sa panayam ng DZBB, kasunod ng report na hindi nasusunod ang SRP na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI).

“Ngayon pa lang, pagbaba ng telepono, I will coordinate with our fellow mayors and MMDA chairman Romando Artes, and see how we can coordinate with the national government agencies and departments,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, bilang tugon sa hindi pagsunod sa SRP, ang kinakailangan lamang para kay Zamora ay ang bumuo ng polisiya na ipatutupad ng mga LGU at pamahalaan.

Ang MMC ay binubuo ng mga LGU ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.

Matatandaan na sa mga report, ang P125 kada kilo na SRP sa sibuyas ay hindi pa rin sinusunod sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila.

Ayon naman sa retailers, hindi nila masunod ang SRP dahil nabili rin nila ang mga ito sa mataas na halaga. RNT/JGC

Previous articleBong Go: Online consumer, merchants proteksyonan
Next articleMalnutrisyon, isyu sa mga PDL – Remulla