MANILA, Philippines – Makararanas ng mahinang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dulot pa rin ng northeast monsoon o amihan, kasabay ng mga localized thunderstorm.
Ito ang iniulat ng PAGASA nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 10 kung saan batay sa 24-hour weather forecast ng ahensya, magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang localized thunderstorm sa Visayas, Mindanao, at Palawan.
Patuloy namang makaaapekto sa Luzon ang amihan dahilan para sa mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na walang inaasahang mabubuo o papasok na bagyo sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend. RNT/JGC