MANILA, Philippines- Itinutulak sa Kamara ang panukala na pumapayag na makaboto ang senior citizens, may kapansanan, may sakit maging locally stranded individuals sa pamamagitan ng mail tuwing public health emergency o state of calamity.
Iminungkahi ito ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ng Ilocos Norte sa ilalim ng House Bill 8037 na nag-aatas sa Commission on Elections (Comelec) na magpatupad ng postal o mail-in voting system tuwing may umiiral na public health emergencies o states of calamity para sa kapakanan ng senior citizens, may kapansanan at may sakit, at locally stranded individuals “who are duly registered voters and who, on election day, may not be able to vote due to high risk of infection or physical impossibility.”
Advertisement
Advertisement