Home ENTERTAINMENT Maine, laging inaantok, buntis na? ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Maine, laging inaantok, buntis na? September 9, 2023 15:04 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nagpapakita na ba ng senyales na nagdadalantao na si Maine Mendoza? Yes, the Phenomenal Star must be pregnant, this as far as the netizens are concerned. Ang pinagbasehan nila’y ang post ni Mrs. Atayde sa X (dating Twitter) nitong September 6. “Grabe ‘yung sobrang nakakaantok!” post ni Maine. Dahil doon ay sunud-sunod na ang mga reaksyon ng kanyang mga fans. Buntis na raw ang kanilang beshy. Nakabuo na raw sila ng asawang si Congressman Arjo Atayde. Nakamulatan na natin ang kapaniwalaang ang pagiging antukin ng isang babae pagsapit ng hapon ay iniuugnay sa kanyang kundisyon. Chances are, buntis ito. Puwera pa ito sa pagsusuka ng babae which is also one of the common signs of pregnancy. Paano na ang hosting job ni Maine sa E.A.T. na napatapat pa sa hapon? Kunsabagay, kung totoo mang infanticipating na si Maine, don’t we all see it coming? Kung ang biyenan nga niyang si Sylvia Sanchez, malayo pa man ang kasal ng anak kay Maine ay namili na nang namili ng baby’s clothes! Itinaga na ni Sylvia na dapat pag tuntong niya ng 50 anyos ay lola na siya. Fifty two years old na siya ngayon. Ronnie Carrasco III