Maine Mendoza, recording artist na rin: ‘Parang Kailan Lang’, tungkol sa pagmo-move on

Maine Mendoza, recording artist na rin: ‘Parang Kailan Lang’, tungkol sa pagmo-move on

March 22, 2020 @ 10:11 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinasok na rin ni Maine Mendoza ang mundo ng musika nang ilabas niya ang awiting “Parang Kailan Lang” kasama ang bandang Gracenote.

 

Tungkol ang awitin sa pagkakaroon ng mga bagong karanasan matapos ang isang hindi magandang hiwalayan. Bumagay din ang awitin sa boses ni Maine.

 

Paliwanag naman niya sa kanta, “Para siyang breakup song without closure. Parang, this is about a girl who recalls her past with her special someone na unfortunately hindi nag-work out pero parang, I think sa song she’s finally moved on.”

 

Sa isang panayam sa kanya, sinabi ni Maine na may bago siyang inaalok sa mga taga-hanga sa pamamagitan ng kanyang musika,  pa naipapakita is yung side ng singing. Parang ito, parang something new to offer na rin sa mga fans na sumusuporta and siyempre nag-aantay din ng something new from me.”

 

Inamin din nitong nakapagsulat na rin siya ng iba pang mga awitin na nais niyang i-record.

 

“Before, meron naman akong mga compositions na rin. Meron na rin kaming nagawa, meron na rin kaming na-record na, as in written by me pero saka na lang.” Remate News Team/MM

 

 

Share

Leave a Reply

Loading...