Home METRO Maintenance crew tiklo sa bantang pagpapakalat ng sex scandal ng ex-gf

Maintenance crew tiklo sa bantang pagpapakalat ng sex scandal ng ex-gf

MANILA, Philippines – Isang 23-anyos na maintenance crew ang inaresto makaraang manakot sa kanyang dating girlfriend na ikakalat ang kanyang hubad na larawan at kanilang mga videos kung makikipaghiwalay sa kanya ito sa Dasmarinas City, Cavite.

Sa report, kasong paglabag sa “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009; Art 286 “Grave Coercion” ng RPC at RA 11313 “The Safe Space Act” in relation to Section 6 ng RA 10175; at RA 9262 “Anti-Violence Against Women and their Children” ang kinakaharap ng suspek na si alyas Patrick, 23, maintenance crew ng Brgy Fatima, Dasmarinas City, Cavite dahil sa reklamo ng dati nitong girlfriend na si alyas ‘Kris,’ 32, dalaga ng Noveleta, Cavite.

Nag-ugat ang isinagawang operasyon dahil sa reklamo ni alyas ‘Kris’ kung saan nagkaroon siya ng relasyon sa suspek at sa panahon nito ay malayang nakakakuha ng hubad na larawan nito at videos ng kanilang pagtatalik.

Subalit nang gusto na ng biktima na makipaghiwalay ay gumawa umano ng FB account ang suspek sa pangalan ng anak na lalaki ng biktima at inupload ang mga hubad na larawan at videos ng biktima.

Napag-alaman na tinakot ng suspek ang biktima na patuloy nitong ipakakalat ang kanyang litrato sa social media kung hindi siya makikipagkita o makikipag-sex sa kanya.

Dahil dito, nagsumbong ang biktima sa awtoridad kung saan saan dakong alas-6:30 ng gabi ay nagkasa ng entrapment operation ang pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Isinagawa ang entrapment operation at nagkunwaring magkikita ang dalawa sa 4C Apartelle, Brgy. Salitran 2, ng nasabing lungsod.

Narekober sa suspek ang isang cellular phone.at pera. Margie Bautista

Previous articleImelda Marcos nakalabas na ng ospital
Next articleComelec hihirit ng pondo sa bayad sa paggamit sa school utilities sa 2025 poll