Home ENTERTAINMENT Maja, aminadong boring ang may-asawa!

Maja, aminadong boring ang may-asawa!

Manila, Philippines- Gone are the days na exciting ang personal na buhay ni Maja Salvador.

Ibang-iba raw kasi ang takbo ng buhay niya now that she’s married to Rambo Nuñez.

For one, career-wise ay hindi siya gaanong aktibo as she was before.

Deliberate o sinasadya raw niya ang huwag munang tumanggap ng movie offers o regular TV series.

Anyway, nariyan naman daw ang kanyang weekly hosting stint via Emojination on TV5.

Puwera pa rin ang pagtutok ni Maja sa kanyang artist management office.

Maja is quick though to qualify her statement na boring ang buhay-may-asawa.

Fulfilling daw ‘yon, no doubt about that.

Ang boring part lang doon ay ang kawalan na nila ng tampuhan ni Rambo.

Paliwanag ng actress-artist manager: “Kasi ‘yung mga tampu-tampo, paraan lang ng paglalambing to spice up the relationship!”

Pero pahabol ni Maja: “Kaso, kasal na! So ano pang ipagtatampo?”

Naging visible lately si Maja sa CelebReit birthday celebration ng may-ari ng Beautederm, of which she’s one of the ambassadors.

Speaking of its owner, mas lalo silang naging mas malapit ni Maja.

Isa rin kasi si Ms. Rhea Tan sa mga tumayong ninang nila sa kasal.

This is as opposed sa balitang masama ang loob nito sa isa niyang endorser na si Marian Rivera na tumanggap ng endorsement para sa isang skin care product (lotion).

Kinukuwestyon tuloy ang sense of loyalty ni Marian na hindi man lang daw nagpasintabi.

Pera-pera lang daw ba? Ronnie Carrasco III

Previous article‘Illegal recruiter’ tiklo!
Next articleGluta drip session ni Mariel sa Senado sinita ni Binay