Manila, Philippines – We oftentimes take back our words.
Ito ‘yung pagkakataong binabawi natin ang ating sinabi not because isinuko natin ang ating prinsipyo kundi para mas maunawaan natin what lies ahead for us.
Hindi ikinahihiyang aminin ni Maja Salvador nang sumablay siya sa desisyong hindi na muling makikipagbalikan sa nobyong si Rambo Nuñez.
Taong 2019 nang aminin ni Maja sa panayam sa kanya ng Philippines’ Ultimate Showbiz Hub na magnobyo na sila ni Rambo.
Sadly, hindi nagtagal ang kanilang relasyon.
It lasted for only four months.
Pumayag na ring makipagkalas ni Rambo sa kanya dahil sa nakikita niyang determinasyon ni Maja na ibuhos ang kanyang atensyon sa career.
Kung bakit muling napapayag sa pakikipagrelasyon kay Rambo had a lot to do with the latter’s mom Marilen.
“Mom” at “tita” ang form of address niya sa kanyang biyenan-to-be.
Ayon mismo kay Maja, ipinaramdam daw sa kanya ng ina ni Rambo na bahagi na siya ng kanilang pamilya.
At malaking bagay raw ‘yon kay Maja who considered it as a major reason for giving their relationship another chance.
Mismong si Marilen na rin ang nagsabi kay Rambo na bakit hindi na lang ito makipagbalikan sa aktres, not knowing na nagde-date na pala uli ang dalawa.
Advertisement