Manila, Philippines – T.H. na maituturing si Maja Salvador at aminado naman siya.
But the initials should not be taken to mean as Trying Hard kundi Tamang Hinala.
Sa panayam sa kanila ng asawang si Rambo Nuñez ng Mega Magazine which is making social media rounds, inamin ni Mrs. Nuñez na isa siyang overthinker.
Bluntly put: praning.
Ang sobra raw niyang pag-alala dulot ng pag-iisip ng maaaring mangyari kay Rambo sa pagtambay nito sa pinagmamay-aring bar is what scares the wits about her.
Binanggit nga ni Maja nang minsang naalimpungatan siya ng alas tres ng madaling araw.
Wala kasi siyang natatanggap ni isang text message mula kay Rambo.
Doon na raw siya magsimulang mag-isip at mag-alala to the point na nagpapa-palpitate na raw siya.
Katwiran ni Maja, a lot of unpleasant things can happen at a bar.
Among others, binanggit niya ang presensya ng temptation o tukso which is just lurking somewhere.
Nauunawaan naman daw ‘yon ni Rambo na nangakong he’d make adjustments para sa ikapapanatag ng kalooban ni Maja.
Things have since improved.
Sa ngayon, tinigilan na ni Rambo ang pagtambay-tambay sa mga bar unless kasama niya si Maja.
Ani Maja, mas lalo raw niyang napatunayan kung gaano siya kamahal ng asawa sa dami ng mga isinakripisyo nito.
For her part, may mga adjustments din daw na ginagawa si Maja.
Sabi nga, it takes two to tango. Ronnie Carrasco III