Home ENTERTAINMENT Maja, aminadong sinasaltik!

Maja, aminadong sinasaltik!

Manila, Philippines- Sa ginawang gender reveal, kinumpirma ni Maja Salvador na baby girl ang kanyang ipinagbubuntis sa mister na si Rambo Nunez.

Sa isang vlog, sinabi naman ng aktres at manager ng Crown Artist Management na hindi raw pala ganoon kadali ang magdalang-tao.

Marami raw siyang pagbabagong naramdaman sa kanyang katawan.

Dumarating din daw siya sa puntong nagkakaroon siya ng mood swings.

Katunayan, may mga pagkakataong sinasaltik daw siya.

Noon daw pumunta sila ng asawa sa Japan para magbakasyon, marami raw siyang naging demands sa kanyang hubby.

Madalas daw siyang magbilin sa kanyang asawa na ibili siya ng paboritong ice cream while resting sa hotel kung saan sila nag-i-stay.

Ilang beses daw niyang ipinaalala kay Rambo to buy iyong fave dessert niya kaso napagsarhan daw ito sa malapit na store kung saan ito available.

Ang nangyari, nag-alburoto raw siya.

Para raw siyang lukresia na umiiyak habang tumatawa.

May ilang beses din daw na pag nagtampo siya kay Rambo ay hindi niya ito kinakausap. Archie Liao

Previous articleLola tinodas sa mantika
Next articlePagsusulong sa diwa ng EDSA revolution, paiigtingin ng simbahan