Manila, Philippines – Matagumpay na nai-“mislead” nina Maine Mendoza at Maja Salvador ang publiko as far as their respective altar dates are concerned.
Ang tanging kinumpirma lang nila ay sa kung saan magaganap ang kasal: si Maine sa Baguio City, si Maja sa Balesin, Indonesia.
Sa mga naunang panayam sa kanila, kapwa sinabi nina Maine at Maja na mauuna lang ng tatlong araw ang kasal ng huli.
Kamukat-mukat mo, mas nauna si Maine who tied the knot with Kapamilya actor and Quezon City Representative Arjo Atayde nitong July 28.
Samantala, ang pagpapakasal ni Maja kay Rambo Nuñez takes place today.
Ayon sa ulat, madalas bumiyahe si Maja sa venue ng kasal to oversee the wedding preparations.
Matatandaang ang pagiging abala ni Maja sa kanyang kasal ang isa sa dalawang dahilang ibinigay niya sa likod ng kanyang pansamantalang pagbibitiw bilang co-host ng E.A.T. (noong Eat Bulaga pa ito).
Maingat kundi man palaiwas si Maja na isapubliko ang detalye ng kanyang July wedding.
Pero nitong July 27 ay ibinahagi ng couple ang ilang larawang kuha sa kanilang pre-nup.
The couple chose to have their pre-nup shoot amidst the Giza pyramids in Cairo, Egypt.
In one photo, makikitang nakasuot ng flowing orange dress si Maja habang naka-brown polo at puting pants si Rambo.
May kuha ring mala-actual wedding shoot kung saan naka-bridal gown si Maja at naka-blue-gray tuxedo naman si Rambo.
It was earlier reported na isa sa mga tatayong ninong sa kanilang kasal ay si Bossing Vic Sotto.
Magkasama sina Bossing at Maja sa sitcom na Open 24/7 sa GMA.
Makakadalo kaya si Bossing sa seremonya ngayong araw considering the inclement weather yesterday, July 29 na napatapat pa sa ngaragang 44th anniversary celebration ng E.A.T.?
Anyway, mula sa Remate Online, maligayang bati kina Maja Salvador at Rambo Nuñez! Ronnie Carrasco III