Home ENTERTAINMENT Maja, every weekend dumadayo sa wedding venue!

Maja, every weekend dumadayo sa wedding venue!

447
0

Manila, Philippines- Segurista. Organisado.

Dalawang pang-uri lang ito bilang paglalarawan kung paanong hands-on si Maja Salvador sa paghahanda ng kanilang kasal ni Rambo Nuñez.

Nakatakdang magpalitan ng I do’s ang magnobyo sa darating na July.

Kung kelan ang eksaktong altar date, Maja won’t divulge.

Kung sinu-sino ang mga tatayong ninong, ang kumpirmado pa lang ay si Bossing Vic Sotto.

Asked kung kabilang din ba si Tito Sotto at TV producer Tony Tuviera, isang salita lang ang laging namumutawi sa bibig ng actress-manager: “Secret!”

Pero kung may isang bagay na hindi niya inililihim ay ang venue ng kanilang pag-iisang-dibdib: Bali, Indonesia.

Sa katunayan, Maja flies to Bali practically every weekend to check kung ano na ang progress ng pagdadausan ng kasal.

Metikulosa ngang maituturing si Maja dahil katwiran niya; “Minsan lang akong ikakasal.”

Pero sumusumpa si Maja na ang susunod daw na wedding nila ay pag sumampa na sila ni Rambo ng 25th at 50th year.

Advertisement

Samantala, marami ang kumukuwestyon sa likod ng kanyang pansamantalang pamamaalam sa Eat Bulaga.

Isa kasi sa dalawang ibinigay ng pagmamay-ari niyang Crown Artist Management is her upcoming wedding and the preparations for it.

‘Yun daw ba ang aligaga sa kasal samantalang dinadagdagan pa nga niya ang kanyang trabaho.

Maja is currently busy with TV5’s Emojination and GMA’s Open 24/7.

Pero ayon kay Maja, matagal na raw inialok ito sa kanya.

Kumbaga, inoohan na niya ang mga nasabing commitments so wala siyang choice.

Pero umaasa ba si Maja na makakabalik uli sa longest running noontime program?

“O, yes! I love Eat Bulaga, baka sa honeymoon namin!” pagbibigay pag-asa niya sa kanyang mga tagahanga. Ronnie Carrasco III

Previous articleMalalaking lawa, reservoirs sa mundo natutuyo na – study
Next articleBagong tourism slogan itugma sa ‘country brand’ – DOT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here