Makaraan ang COVID-19: Lalaki sa China, patay sa Hantavirus

Makaraan ang COVID-19: Lalaki sa China, patay sa Hantavirus

March 25, 2020 @ 3:01 PM 2 weeks ago

  • 41
  •  
  •  
    41
    Shares
Share

China – Tinitingnan ang panibagong virus mula sa probinsya ng Yunnan sa CHina matapos magpositibo ang isang lalaki sa hantavirus na ikinasawi nito.

Kamakailan nga ay sumiklab ang coronavirus na ikinamatay ng marami mula sa probinsya ng Wuhan.

Sa ulat ng Global Times, patungo ang lalaki sa Shandong Province nang binawian ng buhay sa isang pampasaherong bus kasama ang 32 iba pang pasahero.

Isinailalim na ang 32 indibidwal kung magpopositibo rin sila sa naturang virus.

“Hantaviruses are a family of viruses spread mainly by rodents and can cause varied disease syndromes in people worldwide. Infection with any hantavirus can produce hantavirus disease in people. Hantaviruses in the America are known as “New World” hantaviruses and may cause hantavirus pulmonary syndrome (HPS). Other hantaviruses, known as “Old World” hantaviruses, are found mostly in Europe and Asia and may cause hemorrhagic fever with renal syndrome (HFRS),” paliwanag ng Centres for Disease Control and Prevention ng China,

Taong 2016 nang masawi rin ang 12-anyos na nagpositibo sa hantavirus sa Mumbai.

“Each hantavirus serotype has a specific rodent host species and is spread to people via aerosolized virus that is shed in urine, feces, and saliva, and less frequently by a bite from an infected host. The most important hantavirus in the United States that can cause HPS is the Sin Nombre virus, spread by the deer mouse,” paliwanag pa ng ahensya.

Ilan sa sintomas ng hantavirus ay lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, at fatigue.

Dagdag pa rito ang body chills, sakit ng ulo, pagkaantok, pagsusuka, at pagtatae.

Makararanas din ang biktima ng hirap sa paghinga.

Samantala, nilinaw na hindi nakukuha ang sakit o nahahawa mula sa tao.

Magkakaroon lamang ng hantavirus kung magkakaroon sila ng contact sa ihi at iba pa mula sa mga uri ng rodents na nagdadala ng virus tulad ng daga o squirrel. Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...