Home METRO Makati LGU mamimigay ng school supply sa mga estudyanteng apektado ng land...

Makati LGU mamimigay ng school supply sa mga estudyanteng apektado ng land row

MANILA, Philippines – Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay nitong Miyerkules, Agosto 23 na nakakuha na ito ng pag-apruba ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte para mamahagi ng mga school supply sa mga estudyante ng 14 na pampublikong paaralan na apektado ng territorial dispute sa Taguig.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na mahigit 45,000 estudyante ang agarang makakakuha ng libreng school supply sa pagsisimula ng klase sa Agosto 29.

“It is such a relief for the city government of Makati, but most especially for the thousands of affected students and their parents who have been anxiously waiting and hoping for the favorable resolution of the impasse with Taguig on this issue. Finally, we will be able to carry out this annual tradition and ensure that the students will be ready on school opening,” ani Binay.

Pormal na nagpadala ng liham si Education Undersecretary Michael Poa kay Binay sa naturang pag-apruba, kabilang ang “the use of school facilities in the distribution of the supplies.”

Kung babalikan, matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakasundo ang mga alkalde ng Taguig at Makati sa naturang usapin, kung saan hindi tinatanggap ng mga ito ang libreng school supply.

Dismayado rin si Binay sa “last-minute attempt” umanong pigilan ang distribusyon ng school supply sa kabila ng written authority mula sa DepEd.

“Namigay nga kayo ng walang written authority, wala kayong narinig sa amin. Pinapasok kayo sa loob ng eskuwelahan at namigay ng inyong mga gamit ng walang problema,” sinabi pa ng Makati mayor na tumutukoy sa pamimigay naman ng school supplies ng Taguig local government sa EMBO barangays nitong Martes.

“Ngayon may last minute attempt pa kayong ipatigil ang distribution. Akala ko ba kapakanan ng mga bata ang importante?” ani Binay.

Samantala, sa ilalim ng Project FREE (Free Relevant and Excellent Education), bibigyan ng school supply ang mga estudyante sa pampublikong paaralan mula kinder hanggang senior high school kabilang ang special education students. RNT/JGC

Previous articleMga gabinete nagluluksa sa pagpanaw ng DMW chief
Next articlePura Luka Vega idineklarang persona non grata na rin sa Lucena, Bohol