MANILA, Philippines – Tinalikuran umano ng Makati City ang commitment nito sa maayos na health at basic services sa mga residente ng 10 EMBO barangay nang magpakalat umano ng pekeng impormasyon na idinaan sa media.
Nauna rito naglabas ng press release ang Makati na may titulong “Taguig’s ‘unreasonable’ rejection of Makati proposals impedes smooth transfer of city-owned health facilities, services – City Administrator” .
Subalit ilang linggo na ang transaksyon ng dalawang panig sa pakikipagtulungan ng Department of Health at napagkasunduan na ang petsa ng paglilipat ng hursdiksyon ng 10 EMBO na health facilities na dapat sana sa October 1, 2023, pero tahasang hindi binanggit ng Makati sa press release nito ang katotohanang hindi sa kanilang pagmamay-ari ang lupa at mga health centers na nakatirik doon.
Kung susuriing mabuti, mismong sa press release ng Makati, binanggit na ang transisyon ng Ospital ng Makati tungo sa Taguig ay nakasalalay kay Health Secretary Teodoro Herbosa na sinang-ayunan ni Lani Cayetano.
Sa ngayon ang pangunahing mahalaga at inaasikaso ng Taguig ay hindi mabalam ang delivery ng services sa mga residente ng 10 EMBO barangays, at hindi ang mga “pesos and cents ” na laging nakatuon ang Makati sa lahat ng makita nitong pagkakataon. Dave Baluyot